Presidential transition Committee , binuo na ng Duterte administration
Matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order number 47 na lilikha ng Presidential Transition Committee o PTC, binuo na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga miyembro ng komite para sa pagsasalin ng poder ng pamahalaan.
Sa regular weekly Talk to the People iniulat ni Medialdea kay Pangulong Duterte na handa na ang PTC na makikipag-coordinate sa grupo ng papasok na administrasyon.
Si Executive Secretary Medialdea ang tatayong Chairman at miyembro ang secretaries ng Department of Foreign Affairs, Department of Budget and Management, Department of Finance at Director General ng National Economic Development Authority.
Tiniyak ni Medialdea na maisasalin ang pamamahala sa gobyerno ng maayos sa bagong Presidente ng bansa alinsunod sa isinasaad ng Saligang Batas sa katanghaliang tapat ng June 30 ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac