US Pres. Joe Biden, binati si presumptive President Bongbong Marcos
Nagkausap na sina US President Joseph Biden at presumptive President Bongbong Marcos Jr.
Sa statement ng White House, sinabi na tinawagan sa telepono ng US President si Marcos para batiin sa kanyang pagkahalal bilang pangulo ng bansa.
Tinawag ding president-elect ni Biden si Marcos kahit hindi pa ito pormal na ipinuproklama.
Sa pag-uusap ng dalawa ay binigyan-diin ni Biden ang kanaisan nito na makatuwang si Marcos para patuloy na mapaigting ang alyansa ng Pilipinas at US.
Hangad din ni Biden na mapalawak ang bilateral cooperations ng dalawang bansa sa maraming isyu.
Kabilang na rito ang laban sa COVID-19, climate crisis, pagsulong ng broad-based economic growth, at respeto sa karapatang pantao.
Moira Encina