18 Toneladang basura nahakot ng operation baklas ng MMDA
Aabot sa labingwalong toneladang basura na may kinalaman sa katatapos na eleksyon ang nahakot ng Metro Manila Development Authority sa Operation baklas.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, una nilang nilinis ang mga eskwelahan na pinagdausan ng halalan at mga pangunahing kalsada kung saan isinabit ang mga campaign paraphernalia.
Ire recycle aniya ang mga papel para hindi na makadagdag sa sandamakmak na basura sa mga sanitary landfill.
Ang mga plastik gagawin namang mga eco bricks at hollow blocks.
Sinabi ni Artes nagpakalat sila ng mga team sa buong Metro manila katuwang ang mga Local Government Units para baklasin ang mga Election paraphernalia.
Inaasahan nilang matatapos ito sa loob ng dalawang linggo.
Meanne Corvera