Kauna-unahang Chief Justice Saber, iginawad sa PMA graduate
Si Cadet 1CL Ian Joseph Bragancia ng “Bagsik-Diwa” Class of 2022 ng Philippine Military Academy ang tumanggap ng kauna-unahang Chief Justice Saber.
Si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nagprisinta ng kauna-unahang Chief Justice
Saber.
Iginawad ito ni Gesmundo kay Bragancia dahil sa pagtatamo nito ng pinakamataas na overall rating sa lahat ng Military Law courses sa PMA.
Ito ang pinakabagong pagkilala na ibinigay ng PMA sa mga miyembro ng graduating class maliban pa sa Presidential Saber at Vice Presidential Saber.
Si Bragancia na top 3 sa Bagsik- Diwa class ay tumanggap din ng SND Saber para pag-ranggo ng ikatlo sa Military Precedence List at
Philippine Army Saber dahil pagiging rank one sa Graduating Cadet na lalahok sa
Philippine Army.
Tubong Pototan, Iloilo, si Bragancia ay ginawaran din ng mga plake sa Mathematics, Natural Sciences, National Security Studies, at Army Professional Courses dahil sa pangunguna sa mga nasabing kurso.
Moira Encina