Pag-uga ng ngipin, hindi ‘tooth extraction’ ang solusyon
May nagtanong sa atin kung bakit daw ang mga ngipin niya ay umuuga at kung ito ba ay sign na kulang siya sa calcium?
Alam po ninyo ang pag-uga ng ngipin ay maraming dahilan , puwedeng dahil sa ang foundation ay mahina.
Umuuga ang ngipin dahil sa tension lalo pa nga at nauuntog kaya talagang uuga .
Lagi kong sinasabi na pinaka best ay alamin ang dahilan.
Ito ba ay dahil sa hygiene o dahil sa dumi ng mga ngipin.
Sa bad bite kaya kung kaya umuuga ?
Minsan, kaya umuuga ay nabubunggo lang o mali ng posisyon.
Kaya nga kung ang iniisip ng iba ang solusyon ay ang pagpapabunot ng ngipin , mali po.
Hindi pagbunot ng ngipin ang solusyon.
Samantala, nais kong ipaalala sa lahat ng nakababasa nito na hangga’t maaari ay iwas stress tayo dahil may epekto rin sa oral health natin.
Kapag stressed ang isang indibidwal, nanggigigil. Obserbahan ninyo. “yung upper teeth at lower teeth ay magdidikit, automatically.
At dahil dito, puwedeng maapektuhan ang paghinga at maaari din na makaramdam ng pagkahilo o pagsakit ng ulo dahil sa maraming ugat ang naiipit.
Sana ay muling nakatulong ako sa inyo , maraming salamat!