Coast Guard nag-install ng buoys na may bandila ng Pilipinas sa West Philippine Sea
Limang navigatitional buoys na may bandila ng Pilipinas ang inilagay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa apat na kritikal na isla sa West Philippine Sea, ang Lawak Island, Likas Island, Parola Island, at Pag-asa Island.
Ayon sa Coast Guard, ipinapahayag din ng mga ocean marker na ang nasabing mga katubigan sa paligid ay itinuturing na mga espesyal na protektadong sona, kung saan ipinagbabawal ang pagmimina at paggalugad ng langis upang mapanatili ang kanilang mayamang likas na yaman.
Sinabi ni Adm. Artemio Abu, Coast Guard commandant, na naobserbahan niya ang iba pang mga dayuhang sasakyang pandagat sa kanyang pagbisita sa Pag-asa Island noong Mayo 14, upang i-asses ang buoy laying operation at alamin ang moral ng mga tauhan ng PCG na naka-deploy sa isla.
Aniya . . . “During my visit to Pag-asa Island, I saw five PCG ships anchored in the vicinity with several Filipino fishing bancas. Several Vietnamese fishing boats, Chinese fishing vessels, and China Coast Guard vessels were not so far from their position, specifically at the vicinity waters off Subi Reef. My guidance to them, we will challenge them. But according to the Coast Guard Fleet, the WPS is peaceful and the ships of Vietnam and China have shown respect for our mission.”
Una nang binatikos ng PCG ang mga aksyon ng isang barkong Tsino na nagmaniobra malapit sa isang barko ng PCG noong Marso, na tinawag iyong malinaw na paglabag sa 1972 International Regulations for Preventing Collisions at Sea.
Pinangunahan ni Abu ang arrival ceremony para sa limang barko ng Coast Guard na naglatag ng Symbols of Coastal State Administration sa nasabing vicinity waters mula Mayo 12 hanggang Mayo 14. Kabilang dito ang BRP Corregidor, BRP Bojeador, BRP Suluan, BRP Capones, at Tug Boat Habagat .
Ayon kay CG Admiral Abu, maglalagay pa ng mas maraming navigational buoy ang PCG sa ibang bahagi ng exclusive economic zone ng bansa, lalo na sa WPS at Benham Rise.
Ang limang bagong-install na 30-foot buoy ay bahagi ng sampung floating marker na nabili sa Spain. Dumating ito sa Cebu mula sa Valencia, Spain noong Mayo 7.
Ang mga ito ay mayroong modernong marine aids sa navigation lanterns at specialized mooring systems. Mayroon din iyong remote monitoring system na gumagamit ng satellite technology para magpadala ng data sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila.
Kasunod ng desisyon ng arbitral noong Hulyo 2016, may mga ulat na hinaharangan ng mga barko ng China Coast Guard at itinataboy ang mga mangingisdang Filipino mula sa tradisyonal na lugar na kanilang pinangingisdaan sa baybayin ng Zambales.
Ayon kay Abu . . . “I know it was not an easy task, but [our combined efforts] led to the resounding success of installing our sovereign markers that are now flashing lights at night to guide sailors as they traverse the treacherous waters of the WPS.”
Aniya . . . “These buoys are now our source of pride and honor in serving our great nation. And because our fellow Coast Guardians braved numerous dangers during the said noble mission, they were able to bring the PCG to the next level of success.”