Ballot box mula sa Mandaluyong ,Sulu at Maynila walang COC
Sinermunan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Comelec sa nagaganap na canvassing sa Kamara.
Ito’y dahil sa kapalpakan ng ilang election supervisor na maisumite ang physical copy ng Certificate of Canvass.
Ayon kay Zubiri ayaw niya raw sermonan ang proseso ng mga election supervisor pero minsan lang sa loob ng anim na taon ginagawa ang eleksyon ng Pangulo at ‘pangalawang Pangulo.
Napakasimple aniya ng trabaho ng mga ito na ilagay sa envelope ang COC, ilagay sa ballot box at isumite sa Senado.
Sa canvassing ngayong umaga, wala ang kopya ng COC mula sa Mandaluyong, Sulu, at Maynila.
Kagabi na defer rin ang bilangan sa mga lalawigan ng Pampanga at Sultan Kudarat dahil wala rin ang physical copy ng COC.
Paliwanag ni Atty Helen Florez ng Comelec, marahil pagod na ang mga opisyal kaya nakaligtaan na ilagay sa envelope at isumite sa Senado ang mga dokumento.
Meanne Corvera