Canvassing ng NBOC sa mga COC’s at ER’s para maiproklama na ang nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo muling ipinagpatuloy
Pasado alas nueve ngayong umaga pinagpapatuloy na ng Joint Committee ng National Board of Canvasser o NBOC ang canvassing ng mga natitirang Certificate of Canvass o COC’s at Election Returns o ER’s.
Batay sa takbo ng canvassing kahapon nasa average 15 COC’s kada oras ang nabibilang ng NBOC.
Sinabi nina House Majority Leader Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kung ganito kabilis ang proseso posibleng ngayong hapon ay maiproproklama na ang nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.
Ayon sa napagtibay na House rules ng Joint Committe NBOC magsusumite sila ng committee report na naglalaman ng nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo sa pag-reresume ng joint public session ng dalawang kapulungan ng Kongreso para pagtibayin.
Pagkatapos dalawang Resolution pa ang ihahain sa plenaryo ng Joint Public Session ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Una ay ang proclamation resolution , ikalawa ang resolution inviting the winning President and Vice President para personal na pumunta sa Kongreso at pormal na maiproklama.
Sa sandaling maisagawa ang proklamasyon tatawagin ng President elect at Vice President elect sina dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.
Vic Somintac