Burol ng biktima ng cyberbullying sa Antique, dinalaw ni Presumptive Vice President Sarah Duterte Carpio
Dinalaw ni Presumptive Vice President Sarah Duterte Carpio, ang burol ng biktima ng cyberbullying na si Fredrick Mark Alba.
Matatandaan na Mayo 6, 2022 nang matagpuang nakabigti si Alba sa kanilang bahay sa Brgy. 3, San Jose, Antique.
Ayon sa imbestigation ng San Jose PNP at sa suicide note, tinutukoy doon ang isang Mark Anthony Villanueva na nambully sa biktima sa pamamagitan ng social media, na naging dahilan ng pagsu-suicide nito.
Kasama ring dumalaw sina Senator-elect Loren Legarda, Antique Gov. Rhodora Cadiao at San Jose Mayor Elmer Untaran.
Si Alba ay ay isang aktibong youth leader sa University of Antique at iskolar ng mga programa ni Cadiao at Legarda
Matapos dalawin ang burol ni Alba ay tumuloy si Duterte Carpio sa Antique Old Capitol Building para bisitahin ang Antique Trade and Tourism Fair.
Ayon kay Legarda, sa kabila ng nalalapit na proclamation ni presumptive VP Sarah ay sinikap nito na makadalaw muna sa Antique.
Nagpasalamat naman si Cadiao kay Inday Sarah at maging kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tulong na naibigay sa probinsya.
Sinabi ng dating alkalde ng Davao City, na layon nilang magkaroon ng mga programa para sa kinabukasan at ikatatag ng mga kabataan.
Report ni Jhony Valenzuela