Health expert,pinaalalahanan ang publiko na mas nakakahawa ang COVID- 19 kaysa monkeypox
Sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng monkeypox sa ibang bansa, pinaalalahanan ng isang health expert ang publiko na mas nakakahawa parin ang COVID-19.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit ng San Lazaro Hospital, ang COVID- 19 kasi ay naihahawa sa pamamagitan ng droplets at airborne din ito.
Habang ang human to human transmission naman ng monkeypox ay sa pamamagitan ng respiratory droplet.
Ayon sa World Health organization, ang Monkeypox ay isang viral disease na mula sa hayop at karaniwang nakikita sa tropical rainforest areas ng Central at West Africa na nalilipat naman sa ibang rehiyon.
Ang sintomas nito ay lagnat, rash, at pamamaga ng lymph nodes na maaaring magdulot ng medical complications.
Ang Monkeypox ay mukha umanong Smallpox pero hindi naman ito gaanong nakakahawa at hindi rin nagdudulot ng malalang sakit.
Madelyn Villar Moratillo