7.4 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Malolos , Bulacan
Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency ang 7.4 milyong pisong halaga ng shabu.
Arestado rin ng mga awtoridad ang consignee ng iligal na droga sa isang joint controlled delivery operations sa Malolos, Bulacan.
Sa record ng BOC, ang parcel ay idineklara bilang water purifier mula sa Laos.
Pero matapos ang ginawang physical examination sa parcel nadiskubre na naglalaman ito ng mahigit 1 libong gramo ng shabu na may street value na 7.4 million pesos.
Ang suspek ay sumasailalim na sa custodial investigation ng PDEA.
Kabilang sa kakaharapin nito ay paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization Act.
Madelyn Villar – Moratillo