Pangakong pagkakaisa ng mga Pilipino, sinimulan nang gawin ni President-elect BBM
Sinimulan na ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. ang pangako nitong pagkakaisa ng mga Pilipino.
Sa panayam ng programang “Ano sa Palagay Nyo” (ASPN) kay Political Analyst Professor Antonio Contreras, ito ay sa pamamagitan ng pagtatalaga niya sa puwesto ng mga opisyal at personalidad na hindi naman sumuporta sa kaniya sa katatapos na eleksyon.
Isa sa tinukoy nito ay si Susan “Toots” Ople na itinalaga sa Department of Migrant Workers (DMW).
Si Ople ay isa sa mga supporter at tumulong sa kampanya ni Mayor Isko Moreno.
Mas mabuti din aniya kung mabibigyan ng posisyon sa kaniyang administrasyon ang mga sumuporta kay Vice-President Leni Robredo na isa sa naging matindi niyang katunggali.
“He had walk the talk. Sa appointment niya ng kaniyang mga Cabinet official, he can begin reaching out other people who may not have been with him. And meron nang ganyan eh, like si Toots Ople…Toots Ople supported Isko Moreno. It would be good kung meron siyang kukunin din sa kampo na sumuporta kay Mrs. Robredo. And he should also begin having dialogue with sectors that have been very much identified against him for the camp like for example the Academician, to the Universities. I think that’s a good way to start. With students or students’ group or with civil societies activist. Siguro magsimula siya sa ganun…sincere dialogue. Pag ganun ang gawin niya ay problema na talaga ng kabilang kampo kung hindi nila yan tanggapin”.– Prof. Antonio Contreras
Meanne Corvera