Pustiso, hindi dapat tanggalin sa gabi
Muli, nais naming mapaghatid sa inyo ng mga karagdagang kaalaman, kung kaya sana sa pamamagitan ng artikulong ito ay marami kayong matututuhan.
Ang tanong ko, kayo ba ay nakapustiso na?
Full denture man o partial denture?
Kasi, ito ang pag-uusapan natin, ‘yung nakagawian ng marami na tinatanggal o inaalis ang pustiso kapag sila ay matutulog na sa gabi.
Isa ba kayo o ito ang nakikita ninyo sa inyong mga kasama sa bahay na inilalagay sa baso o sa isang lalagyan na may tubig ang pustiso, nakababad magdamag.
Pero, alam n’yo ba na kayong magkaproblema sa kalusugan kapag ganito?
Kung ang iniisip kaya tinatanggal ang pustiso ay para makapahinga ang gilagid , naku ! may epekto po ito sa health .
Actually, puwede naming alisin o tanggalin ang pustiso para kahit papaano ay makapahinga pero, hindi sa mahabang oras.
Maaari namang ibabad sa panlinis para madisinfect , after ilang oras bago matulog ay kailangang isuot na ulit.
By the way, hindi dapat isipin na baka malunok ang pustiso kaya tinatanggal kapag natutulog.
Alam po ninyo malabong malunok ang pustiso, kung sakali mang mangyari ito ay sinadya na lang.
Paano malulunok gayung ang ating lalamunan ay wala pang isang pulgada?
Kung sa laway nga, nasasamid na tayo?
Puwede ninyong sabihin na ‘yun pong dentista ko ang nagsabi na tanggalin ang pustiso sa gabi .
Eto po iyan, may mga dentista talaga na pinatatanggal nila ang pustiso lalo na nga at luma na kasi habang natutulog ang bacteria na nasa denture o pustiso ay maaaring mapunta sa baga.
Karamihan sa mga may pneumonia ay related sa bibig. Lalo na kung may gum disease o marumi ang pustiso puwedeng magkaron ng sakit sa baga.
Magkagayunman, mahalagang maisuot ang denture sa gabi dahil ito ang kalso.
Ibig sabihin kung wala ito, ang lalamuanan ay lumiliit dahil walang suporta.
At kapag ganito ang sitwasyon, maaaring magcollapse ang bibig.
Ano ngayon ang mangyayari sa lalamunan?
Liliit. Maaapektuhan ang paghinga, magkakaroon na ngayon ng tinatawag na breathing disorder.
Kapag humihilik at hindi suot ang pustiso , mas lalong lalakas ang paghilik at kung hindi naman humihilik, malaki ang posibilidad na maghihilik na dahil sa tinatanggal ang pustiso.
Kapag apektado ang airway, apektado ang lalamunan.
Kapag may sleep disorder breathing, candidate na sa hypertension, posibleng ma-stroke at magkaroon ng iba pang medical problems.
Samantala, maaari namang maiwasan ang pneumonia dulot ng maruming pustiso sa pamamagitan ng proper hygiene
Dapat laging malinis ang denture.
Kaya nga kapag matagal na ang pustiso,mas mabuting palitan na ito kasi nagkakaroon na ito ng amoy, nagiging marumi na.
After three or four years ay mapalitan na depende sa materyales na ginamit sa paggawa ng pustiso.
At bilang isang functional dentist ang payo ko ay isuot ang pustiso sa pagtulog para maging maganda ang circulation, maganda ang daloy ng dugo at hangin. Walang bumabara.