Lagay ng ekonomiya sa ilalim ng susunod na administrasyon, nasa tamang direksyon, ayon sa ilang Senador
Nasa tamang direksyon ang ekonomiya ng Pilipinas sa ginawang pagtatalaga ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang economic team.
Para kay Senator-elect Francis Escudero, may sapat na kakayahan at eksperto na ang mga opisyal na itinalaga ni BBM para ibangon at mapatatag pa ang ekonomiya ng bansa lalu na’t mula sa epekto ng Pandemya.
Kabilang na rito sina Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno at dating National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na kapuwa naglingkod na sa nakalipas na tatlong administrasyon.
Wala aniya siyang nakikitang problema sa mga opisyal lalo na kapag isinalang na sa makapangyarihang Commission on Appointments.
Sabi ni Escudero, malaki rin ang tiwala ng mga negosyante at mamumuhunan sa napili ni BBM na bubuo ng kaniyang economic team.
Statement Senator-elect Francis Escudero:
“All are known and competent in their respective fields and President-elect Marcos economic team should inspire confidence from the business sector and the international community, the appointment send a strong message while that our country is headed in the right direction”.
Inirekomenda naman ni Senate Finance Committee Chair Sonny Angara sa bagong administrasyon na masusing piliin ang mga popondohang programa,
Importante aniyang mapaglaanan ng sapat na pondo ang sektor ng edukasyon at kalusugan pero dapat munang iwasan ang pangungutang para hindi lumaki ang binabayarang interes ng bansa.
Statement, Senator Sonny Angara:
“May 2 aspeto ng revenue at spending o yung kinikita at ginagastos ng gobyerno. Ang pinaka- importante ay tamang prioritization o pagpili ng programa ng gobyerno… ano yung tamang gastos na pinakamabuti sa mamamayan at hindi dapat masakripisyo ang edukasyon at kalusugan”.
Meanne Corvera