DepEd, bumuo na ng transition team para sa susunod na kalihim ng Kagawaran
May binuo nang transition team ang Department of Education para sa pagpasok ni Vice-President-elect Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng kagawaran.
Sa programang “Edu-Aksyon” ng Radyo Agila, sinabi ni Education Undersecretary Tonisito Umali na buong-buo ang suporta ng kagawaran sa incoming Secretary at excited na silang makatrabaho ito.
Naghahanda aniya sila ng Basic Educational Plan na pinabalangkas ni Secretary Briones upang ipagkaloob sa susunod na kalihim.
Samantala, kinilala rin ni Umali ang naging maayos at mahusay na pamumuno ni outgoing Secretary Leonor Briones sa DepEd lalu na’t patuloy na hinaharap ng bansa ang hamon ng Covid-19 Pandemic.
DepEd Usec. Tonisito Umali:
“Nagpapasalamat tayo sa napakahusay na liderato ni binigay ng ating Ma’m Liling at ngayong mga huling buwan o mga huling linggo atin pong pinaghahandaan ang transition po. May transition team na binuo ang ating Ma’m Liling Briones at tayo’y naghihintay na lamang at gumagawa ng end-term reports o mga bagay na nais nating maibahagi sa papasok nating kalihim. Makakaasa po kayo na ang gagawing transition na ito ay mahusay, maayos. We will also give our basic education development plan. Handang-handa ang buong Kagawaran ng Edukasyon na sumuporta sa atin pong papasok na VP Sara Duterte”.