Move on na, ngayong tapos na ang eleksyon

Hello!

Isa ba kayo sa apektado ng resulta sa naganap na presidential elections o nakamove on na?

Bakit parang ang ilan sa atin ay hindi pa makaget- over?

Ito ang pag-uusapan natin with pambansang psychiatrist na si Dr. Joane Mae Perez-Rifareal.

Sa ating interview sa kanya sa programang Kapitbahay sa Radyo Agila, ang sabi niya dumadaan tayo sa normal reaction o grieving process, tipong may pangamba, lalo pa nga at ang napili natin ay  hindi nanalo.

Nilinaw niya na normal ang nararamdaman natin, ang mahalaga ay  I-acknowledge ang nararamdaman bilang bahagi ng grieving process.

courtesy of pinterest.com


Tinukoy ni Doc Mae ang proseso mula kay Elizabeth Kubler-Ross kung  paano maghilom, yung stage ng denial, anger, bargaining, depression, acceptance (DABDA) hanggang sa makarating tayo sa stage ng acceptance.

Hindi rin natin puwedeng balewalain  ang nararamdaman natin, tanggaping nalulungkot tayo, gumawa ng coping style, coping strategy.

Halimbawa, kapag nasa peak o heightened emotions tandaan na may healthier ways.  

Dagdag pa niya to be mindful, take a pause, cool down.

Maaaring lumayo o dumistansiya muna sa iba dahil kapag nasa peak ng emotion hindi tumatanggap ng logical reasoning.

Huwag mag-engage kapag hindi na healthy ang discussion.

Try to understand kung saan pinanggagalingan ang emosyon.

Tandaan natin, in a discussion there is no right or wrong.

Mahalaga din ang pagkakaroon ng safe spaces na accepted ang opinion.

At limitahan ang social media platform – base kasi sa pag-aaral na nakatutulong kung bawasan ang paggamit ng social media platform.

Mag-focus tayo sa mga bagay na under control natin, i-channel ang positive energy, i-focus sa pag-aaral o trabaho.

Tandaan when things are uncertain, normal ang ating nararanasan.

Try to reflect the situation.

May purpose kung bakit nangyayari ang ganito, ang dapat ay may natutuhan tayo, and lastly, humanap ng professional help kung kinakailangan.

Please follow and like us: