Pag-upo ni Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President, sigurado na
Si Senador Juan Miguel Zubiri na ang susunod na Senate President.
Ito’y matapos umatras na si Senador Cynthia Villar bilang contender.
Ayon kay Villar, ipauubaya na niya kay Zubiri ang puwesto dahil mas gusto niya ang simpleng buhay.
Itutuon na lang aniya niya ang panahon sa kaniyang mga adbokasiya sa agrikultura at kapaligiran.
Nakausap na rin niya ng personal si Zubiri at sinabi ang kaniyang pasya at tiniyak nitong mananatili siya sa majority block.
Nagpasalamat naman si Zubiri kay Villar at sa mga kapuwa Senador na sumusuporta sa kaniya.
Ayon kay Zubiri, isang karangalan na mabigyan ng oportunidad para makapagsilbi sa isang institusyon ng demokrasya.
Statement, Senator Zubiri:
“Rest assured that all my experience as majority leader in the 14th , 17 and 18th Congress will help me greatly in managing the affairs of the Senate, should I be given the opportunity to serve as Senate President and having been a legislator for as long as I have. I understand deeply the independence integrity and dignity of the Senate I will always uphold these as well as the rules and traditions of this hallowed institution”.
Samantala, dahil sigurado na ang pag-upo ni Zubiri, pinangalanan na rin niya ang mga hahawakang chairmanship ng mga Senador.
Magiging Chairman ng Senate Committee on Accounts si Senador Nancy Binay habang sa Ways and Means si Senador Sherwin Gatchalian.
Si Senador Sonny Angara ay mananatili bilang Chairman ng Finance at Senior Vice-chairman naman si Loren Legarda.
Mananatili sa Public Services Committee si Senador Grace Poe, Committee on Health si Senador Bong Go, habang si Senador Lito Lapid sa Games and Amusement.
Samantala si Senador JV Ejercito ay sa Committee on Higher Education at Local Govenment, Committee on Public Works naman si Bong Revilla habang inalok kay Senador Francis Tolentino ang Blue Ribbon Committee.
Si Senador Francis Escudero naman ang napili bilang Chairman ng Justice Committee.
Ayon kay Zubiri, kahit magiging super majority, magiging independent ang Senado.
Meanne Corvera