Chinese Ambassador , bumisita sa PCG office
Sa gitna ng isyu dahil sa ipinatutupad na fishing ban ng China, personal na bumisita si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa punong tanggapan ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, ang pagbisita ng Chinese Ambassador ay para pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng PCG at China Coast Guard.
Kasama rin umano sa naging pag-uusap nina Abu at Huang ang posibilidad ng capacity-building activities sa pagitan ng PCG at CCG.
Ito ay para mapalakas daw ang rapport at confidence sa pagitan ng PCG at CCG personnels para maisulong din ang peace and stability.
Una rito, naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa fishing ban ng China sa South China Sea na nasasaklawan maging ang mga bahagi na may claim ang Pilipinas.
Madelyn Villar-Moratillo