Tree Planting Activity, isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Basco, Batanes
Nagsagawa ngTree Planting Activity ang Iglesia Ni Cristo sa Basco Batanes, kung saan masayang nakilahok sa nasabing aktibidad ang mga kaanib nito.
Nakipag-ugnayan ang mga kaanib sa Iglesia sa lokal na pamahalaan ng Basco, Batanes para sa dakong pagdarausan ng kanilang aktibidad.
Ipinasiya ng LGU na sa Valugan isagawa ang tree planting na malapit sa baybaying dagat. Kaya umugnay sa DENR, Basco ang mga miyembro ng Iglesia upang malaman kung anong akmang halaman ang maaaring itanim sa nasabing lugar. Nagbigay naman ang DENR ng mahigit 100 Arius tree.
Ayon sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, hindi lamang sa kapakanang pang espirituwal sila nakikipagkaisa sa Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo Manalo, kundi maging sa mga aktibidad na inilulunsad nila para sa kapakanan ng kalikasan at ng kapaligiran.
Report ni Nhel Ramos