Mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan inalerto ng Malakanyang kaugnay ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon
Nakatutok ang Malakanyang sa developments kaugnay ng pasabog ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar inalerto na ng Palasyo ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tugunan ang sitwasyon ng Bulkang Bulusan at pangangailangan ng mga apektadong residente.
Ayon kay Andanar bagamat nasa alert level 1 ang Bulkang Bulusan matapos magkaroon ng phreatic explosion nakatutok ang National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC katulong ang mga local government units o LGU’s sa palibot ng nag-aalburutong bulkan.
Inihayag ni Andanar na handa ang pamahalaan na magpatupad ng force evacuation at magsagawa ng relief operations sa mga itatalagang evacuation centers kaya dapat laging alerto ang mga apektadong residente at laging makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan.
Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o PHILVOCS nagdulot ng ashfall ang pagsabog ng Bulkang Bulusan na tumama sa mga bayan ng Juban, Casiguran at apat na barangay sa bayan ng Irosin.
Vic Somintac