Consumer outlook sa susunod na 12 buwan, tumaas–BSP
Mas optimistiko ang mga konsyumer sa susunod na 12 buwan.
Batay sa Q1 2022 Consumer Expectation Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nag-improve ang consumer sentiment para sa susunod na 12 buwan.
Tumaas ito sa 30.4 percent mula sa 23.6 percent noong ikaapat na quarter ng 2021.
Ayon sa BSP, ang positibong outlook ng mga respondents ay in-attribute sa mas maraming available na trabaho, karagdagan at mas mataas na pinagkakakitaan, good governance at pagtaas ng sahod.
Lumabas din na sa unang quarter ng taon ay bumuti ang consumer outlook sa lahat ng tatlong component indicators na lagay ng ekonomiya ng bansa, financial situation ng pamilya at family income.
Isinagawa ang survey noong March 21 hanggang 31 kung saan tinanong ang nasa 5,200 households.
Kabuuang 2,720 respondents ay mula sa NCR at ang 2,562 ay sa labas ng Metro Manila.
Moira Encina