COVID -19 vaccine epektibo parin laban sa Omicron subvariants – Health expert
Ngayong iba’t ibang subvariant na ng Omicron ang nakakapasok sa bansa, hinikayat ng Infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña ang publiko na magpaturok ng booster dose ng Covid 19 vaccine.
Ayon kay Salvaña, epektibo parin ang mga kasalukuyang bakuna maging sa subvariants ng Omicron na BA.2.12.1, BA.4 at BA.5.
Bagamat may tinatawag na breakthrough infection maging sa may 3rd dose na, sinabi ni Salvan na mas mataas parin ang risk na tamaan ng virus o ng malalang impeksyon kapag walang booster shot.
Ayon kay Salvaña, kapag may booster nadadagdagan ng 15% ang proteksyon sa omicron at umaakyat rin ng 81% ang proteksyon mula sa posibilidad na maospital dahil dito.
Sa datos ng DOH may mahigit 14 milyong Filipino na ang mayroong booster shot.
Madelyn Villar- Moratillo