BSP at DA lumagda ng kasunduan para sa financial education program ng mga mangingisda at magsasaka
Nagsanib puwersa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at ang pribadong sektor para bumuo ng financial literacy program sa mga maliliit na magsasaka, mangingisda at livestock raisers.
Lumagda sa memorandum of agreement para sa financial education program sina BSP Governor Benjamin Diokno, Agriculture Secretary at ACPC Governing Council Chair William Dar, at BDO Foundation President Mario Deriquito, at BDO Foundation Trustee Lucy Co Dy.
Ayon kay Diokno, makikipagtulungan ang central bank para ma-empower at maging financially savvy at healthy ang mga magsasaka, mangingisda at livestock raisers.
Aniya makatutulong nang malaki ang pagpapabuti sa financial literacy at capability ng agricultural at coastal communities para maging inclusive ang pag-angat ng ekonomiya.
Sinabi ni Diokno na bagamat mayaman ang bansa sa mga agricultural at marine resources ay nananatiling “poorest of the poor” ang Pilipinong mangingisda at magsasaka.
Ipinunto rin ni Secretary Dar ang importansiya ng financial education sa sektor ng agri-fishery.
Aniya committed ang ACPC na isama ang financial education sa capacity building programs nito para sa mga farmers at fisherfolks na benepisyaryo ng credit programs nito.
Sa ilalim aniya ng mga modernization initiatives ay gagawin ang mga magsasaka at mangingisda bilang agripreneurs na may improved na kita at productivity.
Dahil dito, kailangan na ang mga agripreneurs ay nagtataglay ng mga tamang kaalaman para mapangasiwaan ang kanilang kita o finances.
Moira Encina