Senate president Vicente Sotto kinausap ni President Elect Marcos sa usapin ng illegal drugs
Handang tumulong si Senate president Vicente Sotto sa Marcos administration para sa kampanya laban sa iligal na droga .
Ayon kay Sotto, sinabi niya ito kay President Elect Bongbong Marcos nang nakipagpulong siya dito noong May 28.
Inimbitahan aniya siya ni Marcos at doon napag -usapan ang naging kampanya noon laban sa illegal drugs at tinanong ang kaniyang mga plano pagkatapos ng kaniyang termino.
Pero hindi sinabi ni Sotto kung inalok siya ni Marcos para mapabilang sa kanyang gabinete at kung ano pa ang kanilang mga natalakay sa naturang meeting.
Si Sotto ay naging pinuno ng Dangerous Drugs Board noong 2008 at nagsulong ng mga batas sa paglaban sa iligal na droga.
Kung maappoint man sa Executive Department magiging epektibo ito pagkatapos pa ng one year ban dahil si Sotto ay isa sa mga kumandidato sa katatapos na eleksyon.
Meanne Corvera