Food security, hiniling na iprayoridad ng Marcos Gov’t
Hinikayat ng grupong Philippine Rural Reconstruction Movement ang bagong Marcos Administration na sana ay maging prayoridad ang pagtiyak sa food security sa bansa.
Ayon kay PRRM president Edicio dela Torre, umaasa rin sila na magiging prayoridad ni President- elect Bongbong Marcos Jr. ang pagpapalakas at pagtulong sa local producers upang maging locally at globally competitive.
Sana ay mapalakas din aniya ang mga magsasaka at mangingisda.
Inihalimbawa nito ang China na 86 percent aniya ng seafood at 22 percent ng isda sa bansa ay inangkat rito.
Ang galunggong aniya na dating pangunahing isda ng mga Filipino nasa P250 hanggang P350 na kada kilo na halos kapresyo na ng karne ng baboy.
Maliban sa food security, sinabi ni dela Torre na umaasa rin silang magiging isinusulong rin nila ang pagpapalakas sa navy, maritime police at coast guard
Madelyn Moratillo