Gunban, ipatutupad sa Davao at Metro Manila bilang paghahanda sa BBM – Sara Inauguration
Sususpindehin ng Philippine National Police ang permit to carry firearms outside residence o PTCFOR sa Davao at Metro manila bilang bahagi ng paghahanda sa inagurasyon nina President Elect Ferdinand Marcos Jr. at VP Elect Sara Duterte.
Ayon kay PNP Director for operations Police Major General Val de leon, epektibo ang gunban sa Davao city simula mamayang 12:01 ng madaling araw na magtatagal hanggang sa hating gabi ng June 21.
Sa Metro Manila,magsisimula naman ang gunban mula June 27 ng madaling araw na magtatagal naman hanggang hating gabi ng July 2.
Sa nasabing mga petsa, mahigpit na ipagbabawal ang pagdadala ng baril.
Magpapatupad din ng no fly to no sail zone sa Davao at sa Maynila sa mismong araw ng inagurasyon ni Duterte sa June 19 at sa inagurasyon ni Marcos sa June 30.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa NTC para sa pagshutdown ng cellphone signal sa dalawang magkahiwalay na venue .
Samantala,iminungkahi din ng PNP sa Manila government na ideklarang holiday ang June 30 para maiwasan ang mabigat na trapik sa araw ng inagurasyon ni PBBM.
Mar Gabriel