Malakanyang umapela sa publiko na mahigpit na sundin ang ipinatutupad na standard health protocol matapos panatilihin ng IATF ang Alert level 1
Nanawagan ang Malakanyang sa publiko na huwag maging kampanti kundi mahigpit na sundin parin ang ipinatutupad na standard health protocol na mask hugas iwas matapos panatilihin ng Inter Agency Task Force o IATF sa Alert level 1 ang National Capital Region o NCR simula June 16 hanggang June 30.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na napagpasyahan ng IATF na panatilihin sa Alert level 1 ang NCR sa kabila na tumataas ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Andanar batay sa rekomendasyon ng mga health expert ng Department of Health bagamat may pagtaas sa arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nananatiling nasa low risk at manageable ang sitwasyon.
Inihayag ni Andanar, sisikapin parin ng administrasyon na makontrol ang kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo a trenta.
Vic Somintac