Gobyerno,hinimok na bumili ng oil products sa Asean countries
Hinimok ni Senador Imee Marcos ang Department of Energy na makipag-usap sa mga kalapit bansa sa Asya para bumili ng mas murang krudo.
Inihalimbawa nito ang presyo ng gasolina sa Tawi-Tawi na mas mura ng mahigit 20 pesos sa Metro Manila dahil ang suplay umano ay nanggaling sa Malaysia.
Maari naman aniyang kausapin ang mga bansang Brunei at Malaysia para umangkat ng krudo.
Inamin naman ni Marcos na hindi agad agad masosolusyunan ng kaniyang kapatid na si President-elect Bongbong Marcos ang problema sa mataas na presyo ng gasolina at pagkain.
Marami pa raw kailangang ilatag na remedyo ang susunod na administrasyon sa kanyang unang 100 araw bilang Pangulo.
Meanne Corvera