Sana Ibalik Ang OPSF (Oil Price Stabilization Fund)

Noong Martes ay muling nagtaas ang presyo ng petroleum products, sabagay linggo-linggo naman eh. 

Ito na ang pang -18 pagtaas simula nang pumasok ang 2022.

Mukhang wala na talagang kabusugan ang mga nasa industriya ng langis.

Talagang pinahihirapan  ang taumbayan.

Iba klase talaga!

Ang problema ay wala naman tayong magawa!

Pero, ang gobyerno ay mayroon.

Mayroong magagawa ang pamahalaan natin.

Uulitin ko lang ang nabanggit ko na sa inyo nang mga nakalipas. 

Natapos na ang 18th Congress at papasok na ang 19th Congress.

Gusto kong bigyang-diin, hindi ba’t ang Kongreso ang nagpapatibay ng batas?

Fueling Up Images - Search Images on Everypixel
courtesy of everypixel.com

At isa na rito ang may kaugnayan sa oil deregulation law?  

Nakapasa din ang EPIRA Law, Electric Power Industry Reform Act.

Ang dalawang batas na ito ang nagpapahirap sa taumbayan.

Ngayon, bakit hindi pursigihin ng gobyerno  ang Kongreso na amyendahan ang mga nasabing batas?

Siyanga pala, mas masakit pa sa EPIRA at Oil Deregulation Law, pinagtibay pa ang TRAIN Law, Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Ito ang batas na sumagasa sa atin ng matindi, ang lupit ng epekto nito.

Ano ang TRAIN Law na pinagtibay  ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapasa sa 18th Congress?

Ito ay may kaugnayan sa excise tax na sinisingil ng gobyerno sa mga  inaangkat na petroleum products .

Ang standard sa buong Southeast Asia kung pag-uusapan ang pagpapataw ng excise tax ay at least 3-6 percent, pero, nang pagtibayin ang TRAIN Law dito sa Pilipinas, umabot yata ng 11%. 

Ibig sabihin lalo pang tumaas.  

Sa pangungulekta ng excise tax, kumikita ang gobyerno. 

May probisyon sa TRAIN Law na kapag umabot ang presyo ng petroleum products sa world market ng 80 dollars per barrel dapat ay suspendihin ito ng gobyerno.

Magkano na ba ang kada bariles ng krudo ngayon  sa world market?

Pumapalo na sa 119 -127 dollars per barrel dahil na rin sa giyera sa Ukraine at Russia.

Alam n’yo ba na bago magpandemya , ang presyo ng gasolina at diesel ay naglalaro sa 37 pesos ang diesel, habang ang gasolina ay 41 pesos naman. 

Magkano na ngayon?

Nabanggit na ng gobyerno na hindi nila susupindihin ang excise tax sa panahon ng Duterte Administration, ewan lang sa pagpasok ng Bongbong Marcos Administration na magsisimula sa Hunyo 30.

Ewan natin kung ano ang gagawin ng magiging bagong Pangulo .  

Nasa 200 billion pesos ang kita ng gobyerno sa excise tax na pinagkukunan ng suweldo ng government workers pati na ang pondo para sa paglaban sa Covid 19 pandemic.

Kaya nga nananawagan tayo sa 19th Congress at sa bagong uupong Presidente, sana ay ibalik na ang OPSF, Oil Price Stabilization Fund, pambalanse ng gobyerno sa walang habas na pagtataas sa presyo ng petroleum products .

Please follow and like us: