Paano nga ba malaman kung may prostate cancer si tatay?
Mga kapitbahay magandang araw sa inyo!
Gusto kong ibahagi ang naging tanong ng isang listener ng ating programa sa Radyo Agila, kay Dr. Rylan Flores sa segmento nitong, Sabi ni Doc.
Ang tanong ay paano daw malalaman kung ang tatay niya na 64 years old ay may prostate cancer?
Mahirap umihi at walang ganang kumain .
Narito po ang mga naging pahayag o tugon ni Doc Rylan, ibabahagi ko sa inyo, baka isa rin ito sa mga tanong ninyo, isa pa, mabuti nang may alam tayo, hindi ho ba?
Hindi anya lahat ng nahihirapang umihi ay may prostate cancer.
Ang prostate ay sa lalaki lamang nakikita .
Sa aspetong mahirap umihi, maraming dahilan kung bakit mahirap umihi ang isang tao.
Puwedeng dahil sa infection, o di naman kaya ay may bato na humaharang sa daanan ng ihi.
Maaari din namang may prostate na nakapulupot sa daanan ng ihi .
Habang tumatanda ang isang tao may iba-ibang nararamdaman kaya pinakamainam ay magpatingin sa isang espesyalista.
Kung sa pag-ihi sa isang urologist magpatingin para malaman ang dahilan kung bakit hirap umihi.
Pagsapit sa edad na 40 maaari ng magpakuha ng examination sa mga duktor o espesyalista, bagaman ang regular examination ay puwedeng gawin ng kahit sinong doktor.
Paano ang examination?
Ito ay tinatawag na DRE- Digital Rectal Examination.
Inieksamin sa pamamagitan ng daliri at ito ay kinakapa.
Malalaman ng doktor kung may problema.
Dapat itong gawin yearly.
Subalit kapag may family history ng prostate cancer sa side ng tatay, mas maagang gawin ang examination, as early as 20 years old.
Dagdag pa ni Doc Rylan, na hindi lamang ang physical exam ang kailangan kundi pati ang pagkuha ng dugo, maging ang tinatawag na prostate -specific antigen o PSA , at iba pang procedures.
Samantala, sinasabing sa unang stages ng prostate cancer maaaring lunasan sa pamamagitan ng pag-aalis ng prostate through operation at susundan ng radiation therapy.
Subalit kapag malala na, mas aggressive ang paraan ng paglunas dito gaya ng pagsasailalim sa pasyente sa chemotherapy.
Sana ay nakatulong kami sa inyo ukol sa kaalaman tungkol sa prostate cancer, hanggang sa susunod ulit mga kapitbahay!