GDP growth ng bansa, apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo
Nagpahayag ng pangamba si Presidential Adviser on Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na magkakaroon ng epekto economic growth rate ng bansa ang patuloy na nararanasang oil price increase na magiging malaking hamon sa papasok na administrasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ito ang naging projection ni Concepcion sa gitna ng hindi mapigilang linggo- linggong pagtaas sa presyo ng oil products sa bansa.
Ayon kay Concepcion nararamdaman na ng mga consumer ang epekto ng unli oil price hike kaya nagbabawas na ng binibiling commodities.
Inihayag ni Concepcion, kapag nagbawas ng gastos ang mga consumer tiyak na may epekto ito sa Gross Domestic Product o GDP growth rate at hindi maabot ang target na 7 percent na economic growth rate.
Niliwanag ni Concepcion, ang problema sa GDP growth rate ay mas matindi pa ang epekto sa ekonomiya ng bansa kaysa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac