Incoming BIR chief paiigtingin ang digitalization para mapagbuti ang tax collection


Nagpasalamat si BSP Assistant Governor Lilia Guillermo sa tiwala sa kanya ni President-elect Bongbong Marcos Jr.  na pamunuan ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ni Guillermo na sa ilalim ng kanyang liderato sa BIR ay mas paiigtingin pa ang digitalization ng tax collection system ng bansa.

Ayon kay Guillermo, bilang dating deputy commissioner ng BIR at IT practitioner ay committed siya sa pagpapalakas sa koleksyon ng buwis sa pamamagitan ng digitalization.

Nang siya ay BIR deputy commissioner, naging Project Director si Guillermo ng World Bank-assisted na “Tax Computerization Project” sa kawanihan.

Si Guillermo rin ang nangasiwa sa Technology and Digital Innovation Office ng BSP na nagpatupad ng IT Modernization Roadmap of 2018-2023 ng central bank.

Moira Encina

Please follow and like us: