National Strategy for Financial Inclusion 2022 – 2028, pinasusuportahan ng Malacañang
Inatasan ng Malacañang ang lahat ng departamento at tanggapan ng pamahalaan na suportahan ang implementasyon ng National Strategy for Financial Inclusion o NSFI 2022- 2028.
Layunin ng NSFI na tiyaking mabibigyan ng access ang mga Pilipino sa angkop na Financial Products at Services para sa pagpapaigting ng Financial Health ng mga ito lalo na ang vulnerable sector.
Alinsunod na rin ito sa mandato ng estado na tiyakin ang pantay na distribusyon ng mga oportunidad, income at yaman sa bansa para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Sa ilalim ng Memorandum Circular number 97 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea inatasan rin ang mga ahensya ng pamahalaan na ipabilang sa kanilang mga programa ang mga prayoridad na hakbang sa ilalim ng NSFI maging ang pagpo-provide ng mga kinakailangang datos para dito kaugnay sa gagawing monitoring at evaluation ng implementasyon nito.
Vic Somintac