Isa ang patay, isa ang nawawala sa nasunog na ferry sa Bohol
Isa ang nasawi matapos masunog ang isang ferry nitong Linggo, sanhi para magtalunan sa dagat ang mga lulan nito.
Ayon sa Phil. Coast Guard (PCG), iniahon nila mula sa tubig ang 163 pasahero sa central island ng Bohol habang hinahanap naman ang isa pang nawawala.
Ang Mama Mary Chloe vessel, na may 236-kataong kapasidad, na may lulang 157 mga pasahero kasama ang 15 kabataan at walong crew, ay umalis sa Ubay sa Bohol at patungo sana sa Bato sa kalapit na isla ng Leyte.
Sinabi ng mga awtoridad, na narekober na ang bangkay ng nasawi at isang barko ng PCG ang idineploy para tumulong sa paghahanap sa nawawala.
Ayon sa PCG . . . “The rescue of the crew and passengers was swift because of the help from motorbancas (boats) sailing in the waters when the incident happened.”
Halos 100 katao ang dinala sa isang port sa Leyte, kung saan sinuri ng emergency personnel ang nailigtas na mga pasahero.