Kapag dispalinghado ang asukal sa katawan
Happy day sa lahat ng neighbors!
Let’s talk about diabetes.
Marami sa ating mga kapitbahay, nalalaman lang na mataas na ang blood sugar kapag nagpa -annual exam tayo.
At sa oras na nalamang tumataas, ano ang unang ginagawa?
lifestyle change.
Ibig sabihin kailangang magkaroon ng lifestyle change.
Adjustment sa pagkain, pag-inom ng tubig, sa pagkilos at paggalaw at mag-exercise.
Malaking bagay ang mga ito.
Tungkol sa blood sugar ang pag-uusapan natin ngayon at mas maipaliliwanag ito ng isang manggagamot, kaya ng ito ang itinanong natin kay Dr. Rylan Flores sa kanyang segment sa Kapitbahay na,Sabi ni Doc!
Ang sabi ni Doc Rylan, kapag sinabing diabetes, ang unang pumapasok sa isip ay matatamis na pagkain, pero, sa totoo lang, hindi asukal o matamis lang.
Ang ating pagkain ay may tatlong macro nutrients na tinatawag.
Ito ay ang protina, taba or fat, at carbohydrates.
Ang carbohydrates ay maraming klase, at isa na ang starchy carbohydrate gaya ng kanin na puti, tinapay, patatas, noodles, pasta ….
Ang mga ito ay hindi naman matamis pero carbohydrate.
Kapag ang mga ito ay napunta sa tiyan at na-breakdown ika nga, nagiging ‘sugar ‘ na.
Kaya tumataas ang asukal kahit hindi matamis ang mga ito.
Ngayon, sa ating lapay o pancreas, inilalabas ang tinatawag na insulin.
Ang insulin ang parang lumalaban sa asukal na nakukuha natin mula sa ating kinakain.
Ang problema kapag sobrang dami ng asukal na nakain natin hindi na kinakaya ng lapay para ilabas ang insulin at i-counter ito .
Kaya ang mangyayari matatalo, ang mananalo ay asukal.
Kaya nga kung hahayaan lang na ganito ang mangyayari, naroon ang posibilidad na magkaroon ng epekto sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Maaapektuhan ang kidney o bato, manlabo ang mga mata, magkaroon ng epekto sa mga dulo ng daliri dahil naapektuhan ang maliit na ugat at iba pang kumplikasyon.
Thanks Doc Rylan sa iyong ibinahagi ng mga kaalaman tungkol sa diabetes at blood sugar .
Kaya nga ang dapat na gawin kapag tumataas ang blood sugar natin mga kapitbahay, una, hindi dapat matakot, ayusin ang pagkain.
Portion lang at hindi punong- puno ang pinggan at hindi rin dapat na ang dami nating kumain, lalo na nga at nagkakaedad na tayo o kung may lahi na diabetic.
Hindi na puwedeng sobra- sobra ang pagkain kasi talagang tataas ang asukal kapag hindi ka nagpigil o nagkontrol sa mga kinakain mo.
Puwede din naman na mag-research sa internet sa mga karagdagan pang kaalaman sa mga dapat at hindi dapat na kainin at gawin.
Mas maging palakain tayo ng gulay at kailangang kumilos at gumalaw, mag-exercise.
Mainam na ma-maintain na mababa ang sugar level.
At para lalong mapangalagaan ang pangangatawan, kumunsulta sa doktor.
So neighbors, alam n’yo na ngayon kung bakit dapat na mamonitor ang sugar level natin.
Hanggang sa susunod ulit!