Metro manila at iba pang highly urbanized and component provinces, cities at municipalities mananatili sa Alert level 1 mula July 1 hanggang July 15 – IATF
Mamamalagi sa Alert level 1 ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa simula July 1 hanggang July 15, 2022.
Ito ay batay sa pinakahuling desisyon ng Inter Agency Task Force o IATF sa ilalim ng Duterte administration.
Gumamit ng bagong matrix ang IATF sa pagtukoy ng alert level system at alert level classification sa mga provinces, highly urbanized cities, independent component cities, component cities and municipalities.
Kabilang sa mga matrix na gagamiting batayan sa pagtukoy ng alert level system ay ang pagtanggal ng two-week growth rate sa pagdetermina ng case risk classification.
Ang case risk classification ay ibabase na ngayon sa average daily attack rates at ang kasalukuyan nitong thresholds.
Mananatili ang total beds utilization rate at current thresholds sa pagtukoy sa health system capacity.
Ang Alert Level ay ibabatay sa revised cross tabulation ng kabuuang beds utilization rate and average daily attack rate.
Ang paggamit sa bagong Matrix ay dahil narin sa namomonitor na bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID- 19 sa bansa.
Sa ngayon nasa 85 out of 121 provinces, highly urbanized cities and independent component cities at 166 out of 744 other component cities and municipalities ang nasa ilalim ng alert level 1.
Nasa ilalim naman ng Alert Level 2 mula July 1 hanggang July 15 ang 36 provinces, highly urbanized cities and independent component cities at municipalities dahil sa mataas na kaso ng COVID- 19.
Vic Somintac