Ano na ngayon ang mangyayari sa mga isinasangkot sa smuggling?

Bago mamaalam sina Senate President Vicente Sotto III ay inilabas nila ang committee report tungkol sa  smuggling issue sa bansa.

Ang tanong, may mangyayari kaya rito?

Meron kayang mangyayari sa mga nasa likod ng isyu?

Itinatanong din ba ninyo kung ano ang mangyayari  sa mga pangalan na inilabas na isinasangkot sa smuggling na pumapatay sa ating mga lokal na magsasaka. 

Sinasabing nasa 22 ang mga pangalan ng mga protector umano at smuggler ng agricultural products sa bansa. 

courtesy of legacy.senate.gov.ph

Sino ba ang mga kumita? Sana naman ay may mangyari sa intelligence report na ito na natanggap ni Sotto noong May 17, 2022.

Ang Senate Committee of the Whole na siyang nagsiyasat sa isyu ukol dito.

Pero sa totoo lang, napakatagal ng problema ito, hindi ba mga ka-isyu?

Isinalarawan sa intelligence report na validated ang case. 

‘Yung mga pangalan na binanggit ay papalitan kaya ni BBM kapag umupo na siya?

Ang sinasabing mga sangkot ay mula sa Bureau of Customs, taga Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, taga Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at marami pang iba.

Sa ilalim ng batas, kapag ikaw ay inakusahan, itinuturing ka pa ring inosente, unless proven otherwise.

Sana masampahan ng kaso para kung totoo, maparusahan. 

Kung hindi naman, malinis ang pangalan.

Ang 63 pages committee report ay isinumite kay President-elect Bongbong Marcos dahil sa ito ang uupong agriculture secretary at bahala na itong gumawa ng hakbang.

Kaya, let us wait and see, hintay lang tayo kung ano ang magiging aksyon ng BBM administration.   

Please follow and like us: