USEC Ariel Cayanan , pinabulaanan ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa usapin ng Smuggling sa Agrikultura
Ikinagulat ni Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization Engr. Ariel Cayanan ng Department of Agriculture ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa listahan ng mga umano’y sangkot sa Agricultural Smuggling.
Sa panayam ng programang Sa Ganang Mamamayan , sinabi ni Cayanan na gusto niyang malaman ang naging basehan para idawit ang kanyang pangalan sa naturang usapin dahil siya ang takbuhan ng mga lokal na mangingisda at magsasaka at hindi ng mga illegal importer.
Kahit aniya ipagtanong pa sa mga tauhan ng Bureau of Quarantine ay hindi siya tumatawag doon at hindi niya kilala ang taong iniuugnay sa kanya para isama siya sa listahan .
Iginiit niya na bilang opisyal ng DA wala siya sa lugar na mag-assign , mag-appoint at lalong hindi siya nagbibigay ng instruction sa Bureau of Quarantine dahil may opisyal na nakatalaga sa naturang tanggapan .
Naniniwala si Cayanan na nililihis lamang ng mga talagang sangkot sa Agricultural Smuggling ang isyu.