Buka pa lang ng bibig, alam na kung may sakit

Alam ba ninyo na  ang pagnganga ng isang tao ay may kinalaman sa kalusugan? 

Ang laki o liit ng pagbuka ng bibig ay may kaugnayan sa oral health.

Ang pagnganga ay walang pinagkaiba sa ating blood pressure, blood sugar, lahat ay ‘measured’.

May tinatawag na maximum opening average, and normal. 

Ibig sabihin may sukat at hindi basta nakakanganga ka lang. 

Kapag ang isang tao maliit ang nganga, may diperensiya. 

Habang lumiliit ang nganga, ibig sabihin may diperensiya o problema ang kalusugan. 

Samantalang habang lumalaki naman ang nganga, malusog ang isang tao.

Sinusukat ang nganga sa pamamagitan ng ating daliri.  

‘Yung sukat ng tatlong daliri ang average.

Ibig sabihin kapag sa tatlong daliri pa lang mahirap o masakit na ang ating nganga, may mali na. 

Dapat kasi ay walang sakit o walang langitngit .

  

Oral hygiene: Simple, natural ways to keep bad breath at bay | Lifestyle  News,The Indian Express
courtesy of indianexpress.com

Ang maximum naman ay four fingers.

Puwede ring gumamit ng ruler sa pagsukat. 

Ang normal range ay 40-60 cm; average 35-55 at maximum 60-70 cm.

Nakalulungkot at binabalewala lang ang ukol sa mouth opening.

Inaakala ng marami na  ang pagnganga ay maliit na bagay lamang, gaya  kapag ang isang bata ay laging nagsusuka kahit konti lang naman ang kinakain at konting lunok lang dahil sa maliit ang nganga.  

Binabalewala lang . 

Dahil sa maliit na pagnganga, apektado ang paglunok o nagkakaron ng swallowing problem, nagkakaron din ng problema sa paghinga . 

Hindi lang problema ito ng bata kahit matanda man.  

Ang mga epekto ng maliit na nganga ay sakitin ang ulo, problema sa mata, problema sa tenga. 

Bakit ? kasi may compression,tight ang muscles.

Actually, may paraan pa naman lalo na sa mga bata para mapalaki ang kanilang pagnganga. 

May inilalagay o dapat na isuot na functional appliance para mag open ng malaki ang bibig.

Para silang naka mouth piece habang natutulog o naglalaro. 

Ginagamit two hours sa araw at overnight.

Itatama nito ang mouth opening para lahat ng ngipin ay tumubo ng tama at makuha ang tamang vertical height ng ngipin.

But, without the appliance, the growth and development ay maaapektuhan lalo na kapag nabunutan ng ngipin ng maaga, maliit na ang nganga.

Uulitin ko lang, kapag ang bata ay laging nahihirinan, nabibilaukan , may problema ang oral health. Kaya , dapat agapan. 

At kung ganito din ang problema ng adults, magpatingin sa functional dentist  dahil may mali sa oral health.   

Sana ay nakatulong ang mga impormasyong ito.

Please follow and like us: