Huling araw sa Malakanyang ni Pangulong Duterte,ginugol sa pagtupad ng tungkulin bilang Pangulo ng bansa
Ginugol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad parin ng kanyang tungkulin ang nalalabing oras bilang Presidente ng bansa.
Batay sa impormasyon mula sa Presidential Protocol Office sa Malakanyang nag-courtesy call pa ngayong araw kay Pangulong Duterte sa sina Chinese Vice President Wang Qishan at Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayasi.
Ngayong gabi naman ay dadalo si Pangulong Duterte sa Thanks Giving na inorganisa ng ruling party PDP Laban sa Villamor Airbase sa Lungsod ng Pasay.
Bukas naman Hunyo a trenta ganap na alas diyes ng umaga ay magkikita sina Pangulong Duterte at incoming President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Malakanyang.
Sa naturang event ay bibigyan ng departure honor si Pangulong Duterte ng Presidential Security Group o PSG.
Alas singko ng hapon bukas ay inaasahang dadaluhan ni Pangulong Duterte ang Homecoming Salamat PPRD Concert na gaganapin sa NCCC Mall sa Buhangin Davao City.
Vic Somintac