US Pres. Joe Biden, inimbitahan si Pangulong Marcos Jr. sa Amerika
Inimbitahan ni United States of America President Joe Biden si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa White House.
Ipinarating ni US second gentleman Douglas Emhoff ang imbitasyon sa pamamagitan ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.
Bagaman wala pang opisyal na tugon si Pangulong Marcos sa nasabing imbitasyon, sinabi ni Romualdez na tiyak niyang magiging masaya ang pangulo sa pagtungo sa Amerika sakaling walang maging conflict sa schedules nito.
Maliban sa Estados Unidos, ilang foreign dignitaries na rin ang nag-courtesy call bago pa man ang oath taking at inagurasyon ni Pangulong Marcos Jr. nitong June 30.