Sakit na tumama kay Justin Bieber, alamin?


Kamakailan ay malungkot na inanunsiyo ng Canadian singer na si Justin Bieber na na-cancel ang ilang concert shows niya dahil sa sakit na Ramsay Hunt syndrome.

Hindi ako pamilyar sa sakit na ito, parang pangalan ng isang Hollywood star, alisin lang ‘yung syndrome.

Dahil dito itinanong natin sa isang neurologist na si Dr. Kristina Anne B. Co, ang mahahalagang detalye tungkol sa sakit.

Ang Ramsay Hunt Syndrome ay sakit na may triad, ibig sabihin may tatlong pangkaraniwang sintomas, sakit sa tenga, paralisado ang kalahating bahagi ng mukha, ikatlo nagkaroon ng rashes.

Importanteng malaman na nag-uugat ito sa varicella-zoster virus, isang virus mula sa bulutong tubig.

Kung maaalala, karamihan sa atin noong bata tayo ay nagkaroon ng bulutong-tubig sa buong katawan.

Bagamat gumagaling ang bulutong tubig hindi nawawala ang virus, nagtatago sa ibang bahagi ng nerves sa
ating katawan.

Sa panahon na bumaba ang resistensiya, nagkasakit o sobrang stress, anytime maaaring magising o mabuhay ang virus.

Kapag nabuhay ang varicella-zoster virus magiging cause ulit ng rashes ngunit isang bahagi lang ng ugat magkakarashes depende kung saan nagtago.

Now, kapag ang virus na ito ay nagtago sa facial nerves at nagkaproblema sa pagkontrol sa mukha ito ang tinatawag na Ramsay Hunt syndrome.

Ang facial nerve na nagkokontrol sa paggalaw ng mukha, ang napaparalisa at nagkakaroon ng rashes.

Puwede sa tenga, kilay, pisngi o sa loob ng bibig magkarashes.

Ang ganitong sakit ay ginagamot ng anti-viral medication, steroids upang mawala ang pamamaga.

Samantala, paalala ni Doc Tin na maaring lumalala ang sakit, kaya binabatanyan sa loob ng 2 to 6 months.

Tandaan bihira ang kaso na bumalik ang sakit.

Bukod dito, kahit sino ay maaaring magkaroon ng ganitong sakit.

Anyone at any age ay maaaring madevelop ang ganitong sakit, basta bumaba ang resistensya puwedeng mare-activate ang virus.

Samantala, nilinaw din niya na iba ito sa sakit na Bells Palsy, almost similar ang sintomas sa unang tingin.

Ngunit ang pagkakaiba ay ibang klaseng virus ang maaaring panggalingan tulad ng Lyme disease, HIV, common flu virus na puwedeng maging cause ng Bells Palsy, habang ang Ramsey Hunt syndrome ay galing sa varicella-zoster virus, mas malala at mas masakit na may kasamang rashes.

Kaya panghuli ang bilin niya upang makaiwas sa ganitong sakit palakasin ang resistensiya.

Wastong pagkain, nutrisyon at wastong tulog.

Please follow and like us: