Irregularities sa ngipin at panga
Meron tinatawag na irregularities sa ngipin at panga na gusto kong ibahagi sa inyo ang ilang kaalaman.
Sa dental term ito ‘yung dental anomaly (problema sa pagkagat ).
Maraming anomalya sa panga at ngipin gaya ng sobrang malalaki ang ngipin, habang maliit naman ang panga, ang resulta, hindi nagtutuma dahil dito.
Ang mga ngipin ay nakadisenyo na magkatugma.
Paano kung over bite o open bite o kung sungki -sungki ang mga ngipin?
At dahil may anomalya o irregularities, nagbibigay ito ng problema sa kalusugan.
Samantala, ano ang epekto nito sa mukha kapag may anomalya sa ngipin at panga?
Makikita ito sa mukha ng tao.
Halimbawa, kapag open bite ang epekto ay laging nakanganga.
Kapag ganito, mapapagod ang dugtungan ng ulo.
Kung overbite naman, nakaatras ang baba.
Paano na ngayon kung ang tagabuhat ng ulo na ito ang mga ngipin ang may problema?
Sa pagharap ninyo sa salamin, makikita ninyo kung may anomalya.
Hindi na tugma, wala na sa sentro ang ngiti.
Ibig sabihin nito may mali na sa kagat.
At kapag may mali na sa kagat, may dental anomaly na at apektado ang kalusugan natin.
Ang madalas kong sinasabi, ’yung ugat natin, ang tinatawag na trigeminal nerve ay bahagi ng ating nervous system na responsable sa pakiramdam natin kapag may pain, touch at temperature sensations sa mukha patungo sa utak.
Kapag ganito ang problema, dito papasok ang isang functional dentist para gawin ang adjustnments.
Para rin lang kapag flat ang gulong, kailangang kalsuhan.
Kailangang magkalso ang dentista para kung mababa ang kagat o overbite kaya .
Huwag nating pabayaan kung ganito ang inyong problema.