Panukalang suspindihin ang Vat at excise tax muling inihain sa Senado
Inihain na sa Senado ang panukalang batas na awtomatikong magsususpinde sa ipinapataw na Value Added at Excise tax sa mga produktong petrolyo kapag lumagpas na ito sa 80 dollars kada bariles.
Ang Reconciled version ng panukala ay napending noong 18th Congress at nabigong matalakay ng mga mambabatas.
Sa kabila yan ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Pero hindi kasama sa panukalang inihain ni Senador Aquilino Koko Pimentel ang probisyon na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Bongbong Marcos o sinumang susunod na Pangulo ng bansa ang kapangyarihan na magsuspinde ng Vat sa oil products sa panahon ng National Emergency o State of Calamity.
Sa panukala, pinaamyendahan nito ang National Internal Revenue Code para maaaring suspindihin ang Vat at Excise tax.
Ipinapanukala rin ng Senador ang tuluyang pagtatanggal ng Travel tax sa mga pinoy at mga miyembro ng ASEAN countries.
Meanne Corvera