Kapag may problema ang dila, may problema ang ngipin
May posisyon ang ating dila.
Kapag ibinuka natin ang ating bibig o ngumanga, may makikita kang malaking space.
Kapag normal, malaki ang airway space at ito ang masasabing healthy.
Habang lumiliit ang airway space, ibig sabihin may problema sa ngipin.
At habang paliit ng paliit ang space, nagkakaproblema sa daanan ng hangin.
Sino ngayon ang may problema, si dila ba?
Hindi po, ang may problema ay si ngipin.
Ang dila gaya ng nabanggit ko sa nakaraan ang indicator kung may dental health problem ang isang indibidwal.
Kapag ang ngipin ay overbite, underbite o deep bite, ibig lang sabihin ay hindi magkatugma o magkapantay ang mga ngipin.
Dahil dito ang epekto ay nahihirapan sa paghinga.
Puwedeng makaramdam ng palpitations.
Kapag pinag-usapan ay bibig laging may koneksyon sa oxygenation.
Nagkaka-problema sa dila kapag may maling posisyon ang ngipin.
Samantala, narinig n’yo na ba ang scallop tongue?
Ito ‘yung shape o hugis ng ngipin ay para naka-xeroxed na sa dila.
Marami na ang ganito lalo pa nga at bottle-fed ang bata, lumiit na ang panga nila.
Puwede din na maagang nabunutan ng ngipin or underdeveloped ang ngipin.
At kapag ganito, ang paghinga ng bata ay apektado dahil ang mga ngipin ay tumubo at tumumba papuntang dila kaya hindi tama.
Ang dila ay may measurement, paano na ngayon kung ang space na para sa dila ay nagamit ng ngipin?
Ang dapat na gawin para ito maayos ay magpunta o kumunsulta sa isang functional dentist lalo na kapag may asthma ang bata o kapag may iba pang medical problem.
Kapag napansin na kakaiba ang kulay ng dila, halimbawa, kapag ito ay madilaw, posibleng may problema sa baga.
Kapag nangingitim naman ang dila posibleng may problema sa puso.
So, hindi lang dapat nakatutok tayo sa medical problems, pagtuunan din ang dental problems.