PBBM, Inimbitahan ng EU na bumisita sa Brussels
Inimbitahan ng European Union si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Brussels at pag-usapan ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at ng Bloc.
Sa liham kay Marcos, sinabi ni European Council President Charles Michel na bukod sa bilateral relations kasama rin sa tatalakayin ang EU-ASEAN ties,Foreign policy issues at iba pa.
Sinabi ng EU delegation sa Maynila personal na ipinarating ni EU Ambassador to the Philippines Luc Véron ang paanyaya nang maging kinatawan ito ni Michel at ni European Commission President Ursula Von Der Leyen sa inagurasyon ni Pangulong Marcos.
Please follow and like us: