Charter change,hindi prayoridad ng Senado- Zubiri
Hindi magiging prayoridad ng Senado ang anumang amyenda sa saligang batas or Charter Change.
Sagot ito ni Incoming Senate President Juan Miguel Zubiri sa inihaing panukala sa Kamara na humihiling na amyendahan ang 1987 Constitution at ibaba sa limang taon ang termino ng Pangulo at pangalawang Pangulo pero maaari silang tumakbo sa re-election.
Ayon kay Zubiri, hindi magandang talakayin ang Chacha ngayong nagsisimula pa lamang ang administrasyon .
Mismong ang taumbayan aniya hindi pabor sa anumang Constitutional amendments.
Sa ngayon aniya tanging ang isyu pa lamang ng Federalism ang nasa hapag ng Senado pero ipauubaya nya ito kay Senador Robin Padilla.
Iginiit ni Zubiri na priority nila sa unang taon ng administrasyon ang mga panukala kung paano mapapababa ang presyo ng bilihin at paano makakabangon ang ekonomiya ng bansa sa epekto ng pandemya.
Meanne Corvera