Dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe, pinangangambahang masawi matapos barilin
Binaril si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe, sa isang campaign event sa Nara City na nasa western region ng Japan, kung saan sinabi ng isang government spokesman na hindi ito nagpapakita ng vital signs.
Ayon kay chief cabinet secretary Hirokazu Matsuno . . . “Former prime minister Abe was shot at around 11:30 am. One man, believed to be the shooter, has been taken into custody. The condition of former prime minister Abe is currently unknown. Whatever the reason, such a barbaric act can never be tolerated, and we strongly condemn it.”
Sinabi ng local media kabilang na ang national broadcaster na NHK at Kyodo news agency, na si Abe ay nasa “cardiorespiratory arrest,” isang terminong ginagamit sa Japan, bago kumpirmahin ng isang doktor ang pagkamatay.
Ang pag-atake ay nangyari sa kabila ng lubhang mababang lebel ng violent crime at mahigpit na gun laws sa Japan, at habang ang mga pulitiko ay nangangampanya para sa gaganaping upper house elections sa Linggo.
Ang 67-anyos na si Abe ay may mga kasamang security habang nagtatalumpati, subali’t madali pa rin siyang nalapitan ng mga sumasaksi sa event.
Makikita sa footage broadcast ng NHK si Abe habang nakatayo sa entablado, nang umalingawngaw ang malakas na tunog ng putok habang makikita naman sa ere ang usok.
Nang magyukuan ang mga tao ay makikita ang isang lalaki habang pinipigil ng mga security.
Ayon sa police sources, ang lalaki ay nakilalang si Tetsuya Yamagami, 41-anyos. Habang binanggit naman ng ilang media outlets, na ito ay isang dating miyembro ng Maritime Self-Defense Force, ang navy ng Japan.
Pahayag ng isang opisyal sa Nara Medical University hospital . . . “What we can share now is that his transfer here has been completed,” subali’t tumanggi itong magkomento tungkol sa lagay ni Abe.
Ayon sa mga opisyal mula sa local chapter ng Liberal Democratic Party na kinabibilangang partido ni Abe, wala silang natanggap na mga banta bago ang pamamaril at ang talumpati nito ay inanunsiyo sa publiko.
Sinabi ni Matsuno, na agad babalik sa Tokyo si Prime Minister Fumio Kishida mula sa pangangampanya sa Yamagata, at idinagdag na ang lahat ng mga pulitiko na nangangampanya bago ang halalan ngayong katapusan ng linggo ay inatasang gawin din ito.
Nagpahayag naman ng pagka-alarma sa nangyaring pamamaril si US Secretary of State Antony Blinken.
Aniya . . . “This is a very, very sad moment. United States was deeply saddened and deeply concerned.”
Si Abe ay naging prime minister ng Japan mula 2006-2007, at muli mula 2012 hanggang 2020, nang siya ay magbitiw dahil sa health issues.