Panukalang batas na magtatatag ng E – learning center sa bawat munisipalidad at siyudad sa buong bansa , inihain sa Kamara
Inihain ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ni dating Presidential Son Davao City Congressman Paolo Duterte ang panukalang batas na magtatatag ng E-Learning Center sa bawat munisipalidad at syudad sa buong bansa.
Batay sa House Bill number 453 ni Congressman Duterte napapanahon na palakasin ang E-Learning system sa bansa kaugnay ng naging karanasan ng sektor ng edukasyon sa kasagsagan ng pananalasa ng pandemya ng COVID-19 kung saan naka-lockdown ang mga paaralan.
Ayon kay Congressman Duterte, yayamang ginamit na alternatibong paraan ng pag-aaral ang distance learning sa pamamagitan ng online gamit ang internet kung saan nakita ang malaking problema dahil sa kakulangan ng resources lalo na sa internet connections kaya nahirapan ang mga estudyante at mga guro.
Inihayag ni Duterte na kung mapagtitibay at maging ganap na batas ang kanyang panukala magiging implementing agencies ang Department of Education, Department Information Communications Technology katulong ang National Library at mga Local Government Units.
Vic Somintac