Scalloped Tongue, pag-usapan natin
Narinig n’yo na ba ang scalloped tongue?
Ang ibig sabihin nito ang dila ay nakakulong sa mga ngipin.
Kulang ang horizontal, kulang ang lapad ng ngalangala o panga.
Nangangahulugan na maliit o V -shaped ang ngipin sa loob, walang space.
Parang naka-xeroxed ang dingding ng mga ngipin sa dila.
Hindi naman mapanganib na masasabi ang pagkakaroon ng scalloped o seryoso.
Iniuugnay din ang scalloped tongue kapag kulang sa ilang bitamina gaya ng vitamin B, iron, niacin, and riboflavin.
Ang ginagawa ng functional dentist dito ay pinalalapad o ini-expand para magkaroon ng space ang dila, naitatama naman ito.
Kailangan ay widening sa panga para magkasya ang dila.
Kapag may scalloped tongue ang isang tao, apektado ang paghinga.
Kasi walang space, kaya nakaurong ang dila.
May treatment naman sa scallop tongue at ang ginagamit na appliance ay ‘expander’,
ito ay retainer na may turnilyo para mag-widen ang ngalangala kung maliit ang panga para magkaroon ng space
ang dila.
Ang proseso ay depende sa kung gaano kaliit ang ngala-ngala o panga.
May Iba na umaabot ng anim na buwan ang gamutan o treatment.
Ang mahabang gamutan ay inaabot ng isang taon.
Ang ginagawa ay iniaadjust ito weekly hanggang maging tama ang sukat o widening.
Samantala, isang functional dentist lamang po ang puwedeng gumawa nito.